Gloc-9 – Kalye feat. Yosha Lyrics

Nalimutan mo na ba

Ang lahat nang nangyare

Nalimutan mo na ba

Ang kwento ng kalye

Nalimutan mo na ba

Ang lahat ng sinabi

Nalimutan mo na ba

Ang kwento ng kalye

Iba’t Ibang tao, Iba’t Ibang araw

Ang aking nakikita at syang nakakaulayaw

Simula sa pagsikat hanggang sa pagpanaw ng liwanag

At hanggang sa muli pa nyang pagdalaw

Sari sari ang mga naglalakbay at dumaraan

Kahit na ika’y nakasakay o kapapara lang

Para lang bulong ng hangin na tuloy tuloy

Mabaho man o mabango palagi mong maaamoy

Usad na di palangoy tawa man o panaghoy

Lahat tayo’y mababasa  o mapapaso sa apoy

Dahil ako ang syang daan kahit buo kong

pangalan ay kinatatamarang

Sambiting madiin marating tawirin tiisin

Kung ayaw mo sa’kin sige piliin kung alin

Naaalala mo ba ang mga storya ng kalsada

Pihitin pabalik ang kabanata ng pahina

Nalimutan mo na ba

Kung ilan ang sumali

Nalimutan mo na ba

Ang kwento ng kalye

Nalimutan mo na ba

Ang lahat nang nangyare

Nalimutan mo na ba

Ang kwento ng kalye

Aling Celia ang pangalan

Lumuwas papuntang Quiapo

Sumakay ng bus sa may Cubao nang may dumapo

Daw na paro paro sa balikat yun ang akala

Inipong pera’y nawala kasama ng pitaka

Sya si Melody pauwi na galing pang Estrella

Inabot ng hating gabi proyekto sa eskwela

Kailangang tumawid sa eskinita sa Manuela

Sa kasamaang palad di na nakita ang dalaga

Madilim kasuluksulukan sa Boni

Di na nagugutom ang batang lansangan na si Rolly

Pero di sya nabusog sa tinapay o pansit

Manhid lamang dahil sumisinghot sya ng pandikit

Napiit kahit na di ito Selda Bilibid

Araw araw napakaraming tao ang naiipit

Yang lamang ang ilan sa mga storya ng kalsada

Pihitin pabalik ang pahina ng kabanata

Nalimutan mo na ba

Ang lahat nang nangyare

Nalimutan mo na ba

Ang kwento ng kalye

Nalimutan mo na ba

Ang lahat ng sinabi

Nalimutan mo na ba

Ang kwento ng kalye

Galit reklamo angal asar

Init pahid pawis dasal

Tila di marating ang tinatanaw na lugar

Napakabagal  ng pag usad parang lakad sa kasal

Pero minsan ang daan na ito’y  nagsilbing

kasagutan Sa milyong milyong hinihinging hiling

Malakas na narinig bulong na nakakabinging

Hinaing na gumising sa ginigising na gising

Pinatunayan sa mundo na totoo ang pagkakaisa at

Mas makapangyarihan ang awa’t malasakit sa

Kapwa laban sa baril o kahit na tangke

At tapang na katulad na pinagsama samang kape

Ang kadilimay napukaw ng bulaklak na sandata

Dahil mas tumatagos ang pagmamahal kesa bala

Pihitin pabalik ang pahina ng kabanata

At huwag mong kalimutan ang storya ng kalsada

Nalimutan mo na ba

Ang lahat ng sinabi

Nalimutan mo na ba

Ang kwento ang kwento ng kalye

Nalimutan mo na ba

Kung ilan ang sumali

Nalimutan mo na ba

Ang kwento ng kalye

Nalimutan mo na ba

Ang tunay na mensahe

Nalimutan mo na ba

Ang kwento ng kalye

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s